Republic of the Philippines

EMBASSY OF THE PHILIPPINES WELLINGTON, NEW ZEALAND
50 Hobson Street, Thorndon, Wellington, New Zealand 6011

Tapusin ang Human Trafficking at OSAEC Ngayon!

/ news


Iisang Nasyon. Iisang Aksyon.

🇵🇭 Ang diwa ng bayanihan ay likas sa ating mga Pilipino—lagi tayong nagkakaisa at nagtutulungan sa harap ng anumang pagsubok. 🤝

🌐 Ngayong Safer Internet Day, sama-sama nating palakasin ang ating panawagan para sa mas ligtas na internet para sa ating mga kabataan. Isa sa mga pinakamalaking banta sa kanilang seguridad ay ang Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC)—isang malagim na krimen na nagaganap sa loob ng tahanan at sumisira sa kinabukasan ng maraming bata.

💪 Ang pagre-report ay isang hakbang patungo sa kaligtasan ng isang bata. Sa bawat batang ating poprotektahan, mas pinagtitibay natin ang pundasyon ng isang ligtas at makatarungang lipunan. 🌟

Ngayong Safer Internet Day, kumilos tayo para sa isang #BayangWalangBahidNgOSAEC!

📢 Kung may nalalaman kang kaso ng OSAEC, huwag manahimik. I-report ito sa mga sumusunod na hotlines:
📌 Philippine National Police – Women and Children Protection Center
Tel: (+63) 919-777-7377; (+63) 966-725-5961

Next Post Previous Post